April 14, 2010
Birthday pala ng mama ko ngayon. Makadaan nga sa kanila mamaya. Ano kaya ang magandang regalo? (Yung hindi mahal). Wala akong maisip. Siguro kagaya na lang ng dati, idadaan ko na lang ulit sa sulat at paglalambing.
Mama,
Ambilis talaga ng panahon. Dati e hinahabol mo lang ako ng walis tambo para paluin dahil sa kakulitan ko. Ngayon e isa na namang taon ang maidadagdag sa iyong edad. Napansin ko na dumadami na ang puti mong buhok sa ulo. Kumukulubot na rin ang mga balat mo. Medyo bagsak at payat na rin ang katawan mo. Pero alam mo ma, kahit ano pang maging ng iyong pisikal na anyo, ikaw pa rin ang isa sa iniidolo at tinitingala kong tao.
Ma, alam kong kulang ang salita sa mga sakripisyo nyo sa amin. Kulang ang espasyo ng webpage kong ito sa ipinaramdam nyong pagmamahal sa aming magkakapatid.
Ma, sa araw na ito, hayaan mong sabihin ko sa'yo na mahal na mahal kita.
Ma, pagbisita ko dyan sa inyo mamaya, wag ka magagalit kung wala akong maidalang pasalubong. Babawi ako next time. Medyo gipit e. Pero wag ka mag-alala, siguradong pag nagkita tayo mamaya, bibigyan na lang kita ng power hug!
Ang iyong poging anak,
Russell
0 katao na ang nagkomento:
Post a Comment