Monday, May 10, 2010

My Electoral Stain

May 10, 2010

Hindi na dapat ako boboto ngayon dahil sa masamang nangyari kahapon. Pero kailangan. Responsibilidad ko ito sa bayan.

Mainit na araw. Siksikang mga tao. Pawisang kilikili. Maingay na sigawan. Magulong pila. Isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras. Sa wakas, makalipas ang apat na oras, meron na ring kyutiks ang hintuturo ko.

"Congratulations!", sabi ng PCOS machine. Tapos na rin akong bumoto. Alam kong may kapangyarihan ang isa kong boto. Sana may pagbabago.

Makabalik na ulit sa ospital.

0 katao na ang nagkomento: